
Sa layuning mapagaan ang epekto ng mataas na presyo sa langis, nakipagpulong si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza II sa mga kinatawan ng 18 Transport Network Companies (TNCs) sa bansa nitong Abril 16.
Kabilang sa pangunahing tinalakay ang pagpapababa ng commission rate sa kanilang mga ride-hailing services partner.
Ayon sa LTFRB, umabot sa hanggang 10% ang naitalang commission reduction habang tatlo naman sa mga TNC ang pansamantalang nagtanggal ng kanilang kabuuang commission rate hanggang sa muling makabangon ang mga apektadong sektor:
Narito ang reduced commission rates mula sa mga ride-hailing service:
Motorcycle platforms:
1. Joyride – mula sa dating 20% patungong 18%
2. Angas – mula sa dating 20% patungong 18%
3. Move it – mula sa dating 21% patungong 15%
4. Para Xpress – mula sa dating 20% patungong 15%
5. Maxim – mula sa dating 20% patungong 18%
6. Grabbike – mula sa dating 20% patungong 15%
TNCs:
1. Grab – mula sa dating 20% patungong 15%
2. Lalamove Rides – mula sa dating 2% patungong 0%
3. InDrive – mula sa dating 10% patungong 8.92%
4. Joy Ride Cr – mula sa dating 20% patungong 10%
5. Angcars – mula sa dating 10% patungong 8%
6. Unla Lal Corporation – mula sa dating 20% patungong 13%
7. Toktok – mula sa dating 20% patungong 15%
8. Hail – mula sa dating 10% patungong 5%
9. Para Xpress – mula sa dating 20% patungong 15%
10. IPick – mula sa dating 12% patungong 10%
11. Utol – mula sa dating 10% patungong 8%
12. PeekUp – mula sa dating 21% patungong 15%
13. Pure Ride – mananatiling 0%
14. Go Cab – mula sa dating 10% patungong 0%
15. Hirna – mula sa dating 35% patungong 33%
16. IPara – mula sa dating 10% patungong 8%
17. EPick me up – mula sa dating 15% patungong 10%
18. Maxim – mula sa dating 12% patungong 5%
Pinuri naman ng LTFRB ang TNCs sa kanilang hakbang at inilarawan ang kanilang inisyatiba bilang isang anyo ng bayanihan.
“This is really commendable and I extend my sincerest gratitude to these TNCs for heeding the call to give their share in helping the public transport sector. Malaking tulong ito sa mga TNVS partner sa panahon ngayon na talagang mahal ang diesel at gasolina,” saad ni LTFRB Chairman Vigor.
Nakatakda namang bumalangkas ng pamantayan ang ahensya kaugnay sa pagpapababa sa commission rates ng nasabing ride-hailing services. –MP











