IBCTV13
www.ibctv13.com

May boses na ang publiko sa paggawa ng batas ng Kamara! ‘LegisHear,’ ilulunsad sa Isabela sa Biyernes

Michael Peronce
85
Views

[post_view_count]

LegisHear, a nationwide legislative consultation and oversight initiative, is set to launch in Isabela State University in Echague, Isabela on Friday, July 31. (Photo courtesy from HOR)

Opisyal nang ilulunsad ng House of Representatives, sa pangunguna ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, ang ‘LegisHear,’ isang pambansang inisyatiba na layong ilapit sa mamamayan ang proseso ng lehislatura upang bigyang boses ang publiko sa paggawa ng batas.

Isang konsultasyong pambatas at pangangasiwa, ang inaugural event ng inisyatiba ay isasagawa sa Isabela State University sa Echague, Isabela sa darating na Biyernes, Hulyo 31.

Ayon kay House Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, ito ang unang mahalagang hakbang sa hangarin ni Speaker Dy na gawing mas bukas, tumutugon, at nakasentro sa tao ang Kamara sa pamamagitan ng pagdadala ng legislative consultations sa mga probinsya sa Pilipinas.

“LegisHear reflects Speaker Bojie Dy’s vision of a Bagong Kongreso—one that does not wait for the people to come to Congress, but brings Congress closer to the people,” ayon kay Garafil.

Idinisenyo ang ‘LegisHear’ para ilapit ang Kongreso sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga konsultasyon, pagbubukas ng diyalogo kaugnay sa mga polisiya, pampublikong mga pagdinig, at oversight activities.

Misyon nitong bigyang-papel ang pananaw ng mamamayan sa mga nakabinbing panukala, suriin ang implementasyon ng mga umiiral na batas at programa ng pamahalaan, palakasin ang ‘congressional oversight,’ at patatagin ang pakikilahok ng mga tao sa proseso ng paggawa ng batas sa ilalim ng prinsipyong “Bawat Batas Mahalaga.”

Inaasahang pagsasamahin ng LegisHear initiative ang civil society organizations, mga tagapagturo, magsasaka, mga estudyante, at iba pang sectoral stakeholders, kung saan tampok ang town hall meeting, legislative discussions, focus group discussions at public service activities.

Kasunod ng inaugural run ng programa sa Isabela, nakatakda itong palawakin sa iba pang lugar sa bansa bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng HOR na gawing mas bukas at tumutugon ang paggawa ng batas base sa pangangailangan ng bawat Pilipino.

“Good laws are not crafted in isolation. They are bolstered by the experiences, aspirations, and recommendations of the people whose lives they seek to improve. Through LegisHear, Congress will listen, learn, and legislate with greater purpose,” ani Garafil. VC