IBCTV13
www.ibctv13.com

Online sellers at digital content creators, required nang magpakita ng BIR registration seal badge sa kanilang platform

Khengie Hallig
75
Views

[post_view_count]

Photo from BIR

Ipinag-utos ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga online seller at digital earners na magpakita ng Registration Seal Badge sa kanilang mga platform bilang katunayan na sila ay rehistrado.

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 038-2026, kailangang i-post ng mga taxpayer na mayroong online business activities ang BIR-issued seal sa kanilang mga website, e-commerce pages, at iba pang social media accounts na ginagamit sa pagnenegosyo.

Sakop ng kautusan ang mga online seller, freelancers, professionals, vloggers, influencers, at iba pang indibidwal na kumikita sa pamamagitan ng digital platforms.

Nakasaad din sa RMC na kinakailangang naka-display ang seal sa partikular na section ng platform gaya ng “About Us” o “Business Permits” kung saan mabilis itong makikita ng publiko.

Libre lamang ang pagkuha ng Registration Seal Badge sa BIR’s Online Registration and Update System (ORUS) at Revenue District Office.

Hindi na rin kailangan pang palitan ng mga existing taxpayer ang kanilang Certificate of Registration (COR) ngunit hinihimok ng ahensya na i-update ang rehistro para makakuha ng seal at QR-based verification na nagkakahalaga ng P30 para sa Documentary Stamp Tax.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, bahagi ito ng pagtitiyak na rehistrado at accountable ang mga negosyong tumatakbo sa digital marketplace.

Ang hakbang ay magsisilbing paraan para protektahan ang mga online buyer sa pamamagitan ng pagsigurong rehistrado ang mga negosyong kanilang tinatangkilik. VC