IBCTV13
www.ibctv13.com

P1.1-B halaga ng tulong, naipadala sa mga biktima ng bagyong Kristine, Leon

Ivy Padilla
324
Views

[post_view_count]

Distribution of family food packs to typhoon-hit victims in Camarines Sur. (Photo by DSWD)

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan mga biktima ng bagyo, umabot na sa P1.1-bilyong halaga ng tulong ang naipaabot ng pamahalaan para sa biktima ng nagdaang bagyong Kristine at Leon sa buong bansa.

Saklaw ng nasabing tulong ang food at non-food items mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of the Civil Defense (OCD), Local Governments Units (LGUs) at Non-government Organizations (NGOs). 

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ngayong Linggo, Nobyembre 3, nasa 2,200,731 pamilya o katumbas ng 8,630,663 indibidwal ang nananatiling apektado ng kalamidad. 

Namamalagi ngayon sa mga evacuation area ang nasa 56,396 displaced families habang pinili namang manatili ng 108,941 pamilya sa labas ng temporary shelters.

Ayon sa NDRRMC, nagpapatuloy ang clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga kalsada, drainage at iba pang lugar na binaha dahil sa bagyo. 

Samantala, hindi rin tumitigil ang DSWD sa pamamahagi ng family food packs (FFPs) sa mga komunidad kung saan nasa 1,013,777 FFPs na ang naipadala sa iba’t ibang rehiyon na hinagupit ng bagyo.