IBCTV13
www.ibctv13.com

Terminal fee sa PITX, libre ng tatlong buwan; PUVs na kabilang at halaga ng matitipid, alamin

Khengie Hallig
104
Views

[post_view_count]

Photo from Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sa layuning maibsan ang pasanin ng mga public utility vehicle (PUV) operator at drivers, tatlong buwang magiging libre ang terminal fees sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa PUVs ayon sa Department of Transportation (DOTr) simula sa Lunes, Mayo 18.

Alinsunod ang hakbang sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga operator at maging ang mga nagmamaneho ng PUV na makabawas sa pang-araw-araw na gastusin sa pamamasada.

Sa ilalim ng kautusan, libre ang terminal fees sa PITX para sa mga provincial bus, city buses, modern public utility jeepneys (PUJs), traditional PUJs, utility vehicle (UV) express vehicles, at mga taxi.

Narito ang kasalukuyang halaga ng terminal fee kada onboarding ng mga nasabing PUV, na magiging libre na simula sa Lunes:

• Provincial Bus – P100.00
• City Bus – P20.00
• Modern PUJ – P10.00
• PUJ – P10.00
• UV Express – P20.00
• Taxi – P10.00

Sa kabuuan, makatitipid ng mula P10 hanggang P100 ang PUV operators at drivers habang umaarangkada ang nasabing programa.

“Itong inisyatibang ito ay malaking tulong sa kanila dahil makakatipid sila sa terminal fees na pwede nilang gamiting pangkarga ng krudo o gamitin sa anumang gastusin nila,” ayon kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez.

Sa pamamagitan ng terminal fee suspension, papalo sa higit P5 milyon ang inaasahang matitipid ng PUV operators.

Maaari pang magpatuloy ang nasabing suspensyon pagkatapos ng tatlong buwan, depende sa isasagawang pagsusuri ng ahensya. MP