IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, isinusulong ang reporma sa EPIRA; Kauna-unahang interactive energy museum sa bansa, pinasinayaan

76
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. inaugurated the first interactive Energy Museum at the Department of Energy (DOE) Compound in Taguig City, coinciding with the 25th anniversary of the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) today, July 29. (Photo courtesy of PCO)

Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsusulong ng mga reporma sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang mapagaan ang gastusin sa kuryente ng mga Pilipino, kasabay ng kanyang pangunguna sa pagpapasinaya ng kauna-unahang interactive Energy Museum sa bansa ngayong araw, Hulyo 29.

Sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng EPIRA sa Department of Energy (DOE) Energy Center sa Bonifacio Global City, ibinahagi ng Pangulo ang pangunahing layunin ng museo — ang palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa enerhiya at hikayatin ang responsableng paggamit ng kuryente.

“At the inauguration of the Philippines’ first interactive Energy Museum, we are opening a place dedicated to helping every Filipino understand better the vital role that energy plays in our daily lives,” ani Pangulo.

Sa museo, naglibot ang Pangulo

Kasama sina DOE Secretary Sharon Garin at negosyanteng si San Miguel Corporation President and CEO Ramon Ang, nilibot ni Pangulong Marcos Jr. ang mga pasilidad ng energy museum.

Tampok dito ang mga interactive exhibit tungkol sa iba’t ibang pinagkukunan ng enerhiya at teknolohiya, kabilang ang solar, geothermal, wind, hydropower, natural gas, energy storage systems, at nuclear energy.

Sinabi ng Pangulo na magsisilbi ang gusali bilang inspirasyon sa mga kabataan upang isaalang-alang ang karera sa sektor ng enerhiya at maging bahagi ng paghubog sa hinaharap ng industriya sa bansa.

“This could be you. The future of Philippine energy will be built by the students who will visit or stand in this museum,” ayon sa Pangulo.

Kasabay nito, binigyang-diin niya ang mga naging bunga ng EPIRA sa nakalipas na 25 taon, kabilang ang pagbubukas ng power generation sector sa private investments, expanded electricity generation capacity, at pagpapalawak ng kompetisyon sa merkado na nagbibigay-daan sa paglago ng renewable energy.

Gayunman, kinilala ng Pangulo na nananatiling mataas ang singil sa kuryente, dahilan upang isulong ng administrasyon ang pag-amyenda sa EPIRA, na naglalayong tanggalin ang paniningil ng system loss charges at kaukulang value-added tax (VAT) sa mga konsyumer.

“During my recent State of the Nation Address last Monday, I asked Congress to amend the EPIRA to remove the charging of system loss to consumers, including the corresponding value-added tax. It is only fair that Filipino families pay only for the electricity they use—not for inefficiencies beyond their control,” ani Pangulo.

Sa huli, ipinanawagan ng punong ehekutibo sa publiko na makiisa sa kampanya ng pamahalaan para sa energy efficiency at iginiit na mahalaga ang pakikilahok ng bawat mamamayan upang matiyak ang isang maaasahan, napapanatili, at ligtas na sektor ng enerhiya sa bansa.VC