IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM: Metro Manila Subway, 60% nang tapos; Inaasahang makapagsisilbi ng 70-K pasahero kada araw

93
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the groundbreaking ceremony of the Metro Manila Subway at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 in Pasay City today, September 16. (Photo courtesy of PCO)

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na 60% nang kumpleto ang Metro Manila Subway Project (MMSP), na inaasahang makapagbibigay ng mas mabilis at maaasahang transportasyon sa mga komyuter sa Metro Manila.

Sinabi ito ng Pangulo matapos niyang pangunahan ang groundbreaking ceremony ng proyekto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ngayong Miyerkules, Setyembre 16.

Kapag ganap nang operational, inaasahang makapagsisilbi ang istasyon sa humigit-kumulang 70,000 pasahero bawat araw sa 2035 at tataas sa 74,000 kada araw pagsapit ng 2045.

Bahagi ang proyekto ng MMSP Contract Package 109, na sakop ang pagtatayo ng underground station at tunnel sa loob ng NAIA Terminal 3 Complex.

Ayon sa Pangulo, hindi madali ang pagtatayo ng subway dahil dadaan ito sa ilalim ng isang lugar na matao at mga nakatayong imprastraktura.

Dahil dito, gagamit ang proyekto ng underpinning technology para suportahan ang mga kasalukuyang poste o pier ng NAIA Expressway habang ginagawa ang mga tunnel sa ilalim nito.

“Proven in Japan, this method will help ensure that construction can proceed safely beneath existing infrastructure while also maintaining structural integrity,” ani Pangulong Marcos Jr.

Ibinalita rin ng lider na 100% nang kumpleto ang pagkuha ng right-of-way para sa terminal link, kaya’t magiging tuluy-tuloy na ang paggawa ng istasyon.

Sa kanyang talumpati, binigyang-din ng Pangulo ang pangangailangan para sa mas maayos at maaasahang pampublikong transportasyon upang makatulong sa mga komyuter na nahaharap sa matinding trapiko araw-araw.

“Our people need a public transport system that gives them a real alternative, one that is efficient, dependable, and connected to the places where we live, study, work, and travel,” saad ng Pangulo.

Kabilang sa iba pang railway projects ng pamahalaan ang North-South Commuter Railway (NSCR), rehabilitasyon ng Metro Rail Transit (MRT-7) at Common Station.

Pinopondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang MMSP, na may aprubadong kabuuang project cost na P488.88 bilyon.

Ang 33-103km Metro Manila Subway ay inaasahang magpapaiksi sa travel time mula Valenzuela City patungong NAIA mula sa mahigit isang oras at 30 minuto patungo sa tinatayang 40 minuto na lamang. – IP