IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, pinangunahan ang paglulunsad ng ‘Bawat Bayan Makikinabang’ program sa Obando

100
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the “Bawat Bayan Makikinabang” Program at Obando, Bulacan on Thursday, May 21. (File photos from PBBM, PTV)

Libu-libong pamilya mula sa 11 barangay sa Obando, Bulacan ang nakinabang sa inilunsad na “Bawat Bayan Makikinabang” program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tampok ang ipinamahaging bigas at mga programang pang-edukasyon ngayong Huwebes, Mayo 21.

Bahagi ng programang ito ang Local Government Support Fund (LGSF) at Socio-Civic Development Program na layong direktang maipaabot ang tulong sa mga bayan at lalawigan sa bansa.

Sa pamamagitan ng programa, mahigit 2,000 pamilya sa Obando ang napamahagian ng tig-10 kilong bigas mula sa LGSF.

Pangako ng Pangulo, hindi lamang ito pang isang beses na tulong dahil sisikapin ng pamahalaan na makapamahagi ng 10 kilong bigas sa mga pamilya kada dalawang buwan o anim na beses sa isang taon.

Bukod pa rito, nakatanggap din ng P200,000 na tulong-pinansyal ang bawat barangay sa lugar kung saan P100,000 mula rito ang ilalaan naman bilang educational assistance sa 55 iskolar mula sa iba’t ibang barangay sa Obando.

Tiniyak ding aabot ang tulong sa mga baybaying barangay ng Salambao at Binuangan at maisama ito sa mga programang pangkaunlaran ng pamahalaan.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na mahalaga ang pagtutulungan ng pambansang pamahalaan at lokal na pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa mga komunidad. – IP