IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, PM Takaichi, inanunsyo ang pag-angat sa ugnayang PH-Japan patungo sa Comprehensive Strategic Partnership

157
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and Japanese Prime Minister Sanae Takaichi formally elevated Philippines–Japan relations to a Comprehensive Strategic Partnership during a signing ceremony and joint press conference in Tokyo on May 28, 2026. (Photo from PCO)

Tungo sa mas malalim na kooperasyon ng Pilipinas at Japan, itinaas nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi ang ugnayan ng dalawang bansa mula sa Strengthened Strategic Partnership tungo sa Comprehensive Strategic Partnership sa kanilang Summit Meeting nitong Huwebes, Mayo 28.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng normalization ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

“This milestone reflects the strength, depth and breadth of our ties as we respond to the evolving challenges and opportunities of our time,” saad ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., mas pinagtibay ng talakayan kasama si Prime Minister Takaichi ang layunin ng administrasyon na palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan kabilang na ang economic partnership, energy resilience, decarbonization, defense at security, maritime cooperation, artificial intelligence, at umuusbong na future-oriented industries.

Para naman sa panig ni PM Takaichi, ipinapakita ng “elevated partnership” ang magkaparehong layunin ng Manila at Tokyo na palalimin pa ang ugnayan sa gitna ng walang katiyakang global environment.

“This demonstrates the determination of our two countries to strengthen multi-layered relations as like-minded countries sustainably going forward without being affected by changes in the international environment,” pagbibigay-diin ni Takaichi.

Samantala, pinagtibay din ni Pangulong Marcos Jr. ang mga prayoridad ng bansa kabilang na ang mas malalim na seguridad at defense cooperation, mas malakas na maritime collaboration at economic security, mas malawak na kalakalan at pamumuhunan, at maging ang mas magandang ugnayan sa imprastraktura at development initiatives.

Nagpalitan din ng pananaw ang dalawang lider tungkol sa mga regional at global development kabilang na ang mga hamon sa Indo-Pacific bunsod ng sigalot sa Middle East.

Kasama naman sa tinalakay sa kanilang pagpupulong ang mga oportunidad para paigtingin ang kooperasyon sa official development assistance, higher education, pagprotekta sa kalikasan, at disaster resilience.

Tinanggap din ng Pangulo ang nagpapatuloy na suporta ng Japan sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao at mas malawak na inisyatibang pangkaunlaran sa Pilipinas. – MP