IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas bilang ASEAN Chair, naging daan sa pagkakasundo ng Cambodia at Thailand sa harap ng border issue – PBBM

Khengie Hallig
92
Views

[post_view_count]

The Philippines, under the leadership of President Ferdinand R. Marcos Jr. as the ASEAN Chair for 2026, convened a special trilateral meeting between Cambodian Prime Minister Hun Manet and Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul at Cebu City, on Thursday, May 7. (Photo from ASEAN2026)

Sa pangunguna ng Pilipinas bilang ASEAN Chair, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang malaking progreso sa pagitan ng Cambodia at Thailand kaugnay sa border issue ng dalawang bansa, kasunod ng produktibong trilateral meeting sa sidelines ng 48th ASEAN Summit sa Cebu City nitong Huwebes, Mayo 7.

Sa pagpupulong kasama sina Cambodian Prime Minister Hun Manet at Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na napagkasunduan ng dalawang bansa ang pagkakaroon ng payapang pagresolba sa mga hindi pagkakaunawaan.

Pinagtibay ng dalawang lider ang kahalagahan ng pagkakaroon ng direkta at bukas na komunikasyon upang maiwasan ang pagputok ng anumang tensyon sa Cambodia-Thailand border at mapanatili ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa.

“I believe this was possible because of a very clear, fervent belief by both leaders that it is the time for peace and no longer the time for war,” ayon sa Pangulo.

Nagpaabot ng pasasalamat kay Pangulong Marcos Jr. ang dalawang Prime Minister para sa pangunguna sa trilateral talks at pinuri ang kanyang constructive leadership sa pagsusulong ng kapayapaan, katatagan, at pagkakaisa sa rehiyon.

Nangako ang Prime Ministers ng Cambodia at Thailand na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng dayalogo at detalyadong mga hakbang para sa mas maigting na diplomatic engagement.

Samantala, malugod na tinanggap ng Pangulo ang pinalawak na mandato ng ASEAN Observer Team (AOT) para sa panibagong tatlong buwan kung saan tiniyak ng lider ang positibong gampanin ng bansa bilang AOT Coordinator. – VC