
Pormal na iginawad kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Grand Cordon of the Supreme Order of the Chrysanthemum, isa sa pinakamataas at pinakaprestihiyosong parangal ng Japan, sa pangunguna nina Emperor Naruhito at Empress Masako.
Tumanggap din si First Lady Liza Araneta-Marcos ng Grand Cordon of the Order of the Precious Crown.
Isinagawa ang seremonya sa ginanap na state call ng First Couple sa Imperial Palace sa Tokyo ngayong Miyerkules, Mayo 27.
Bilang kapalit, iginawad naman ng Pilipinas kay Emperor Naruhito ang Order of Lakandula na may ranggong Supremo o Grand Collar, habang tinanggap ni Empress Masako ang Order of Gabriela Silang.
Ang state call ay bahagi ng state visit ni Pangulong Marcos Jr. sa Japan mula Mayo 26-29.
Layon ng pagbisita na mas paigtingin ang kooperasyon ng dalawang bansa pagdating sa seguridad, kalakalan, pamumuhunan, at mga usaping panrehiyon. – VC











