IBCTV13
www.ibctv13.com

Same-day process at release ng Postal ID, available na sa SM Manila, Robinsons Otis

Kristel Isidro
159
Views

[post_view_count]

Manila Central Post Office. (IBC File Photo)

Maaari nang makakuha ng Postal ID sa loob lamang ng isang araw matapos ilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang same-day processing at release sa Government Express Center sa SM City Manila at Post Office sa Robinsons Otis.

Narito ang itinakdang cut-off time para sa same-day processing mula Lunes hanggang Biyernes:

Robinsons Otis
Capturing Time: 10:00 AM – 12:00 NN
Release Time: 4:00 PM

SM Manila
Capturing Time: 11:00 AM – 12:00 NN
Release Time: 4:00 PM

Sa kasunod na araw naman ang pagproseso at release ng mga aplikasyon na lalampas sa cut-off time.

Kinakailangang personal na magtungo ang mga aplikante at magsumite ng kumpletong application form, kasama ang isang valid ID.

Mga listahan ng tinatanggap na valid ID:
– Birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA),
– National ID,
– UMID,
– Driver’s license,
– Passport,
– o anumang government-issued ID na may larawan at lagda

Para naman sa patunay ng tirahan, maaaring magsumite ng utility bill, lease contract, o katulad na mga dokumento.

Ang bayad para sa Postal ID ay P550 para sa regular na proseso at P650 naman para sa rush processing. – VC