IBCTV13
www.ibctv13.com

Special payout para sa addt’l MC taxi at delivery riders na benepisyaryo, isasagawa sa Abril 18-19

Kristel Isidro
398
Views

[post_view_count]

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) distributed P5,000 cash relief assistance to motorcycle (MC) taxi drivers and delivery riders at Taguig City today, April 17. (Photo courtesy of DSWD)

Maglulunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng special cash relief assistance (CRA) payouts ngayong weekend, Abril 18 at 19, para sa mga motorcycle (MC) taxi drivers at delivery riders sa Metro Manila na hindi naisama sa orihinal na listahan ng mga benepisyaryo.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, itinakda ang karagdagang payout upang mapabilang ang mga rider na inendorso ng Private Express and/or Messengerial Delivery Service (PEMEDES).

Nilinaw ng DSWD na ang payout ngayong araw ay eksklusibo lamang para sa mga MC taxi drivers at delivery riders na dati nang kabilang sa listahan ngunit hindi nakakuha ng kanilang ayuda sa mga nakaraang linggo.

“Ngayong araw po kasi ang ating mga sine-serve ay mga MC taxi drivers and service delivery riders. Ito po yung mga hindi nakapag-claim noong nakaraang mga linggo,” ani Dumlao.
Batay sa ulat ng Crisis Intervention Program (CIP) as of April 15, mahigit 642,000 drivers sa loob at labas ng National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng tulong-pinansyal, na umabot na sa higit P3.2 bilyong pondo.

Bahagi ito ng P30 bilyong pondo na inilaan para sa CRA alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga driver na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng krisis sa Middle East.

Samantala, mahigit 17,000 Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers sa NCR ang napagsilbihan na sa isinagawang special payout, kabilang ang mga bagong benepisyaryo at mga hindi nakakuha sa kanilang orihinal na iskedyul.

Magsisimula ang payout para sa bagong listahan ng MC taxi drivers at delivery riders ganap na alas-7 ng umaga sa Abril 18 at 19.

Gaganapin ito sa apat na itinalagang lugar sa Metro Manila:
– Caloocan Sports Complex
– Makati Coliseum
– Quezon City Memorial Circle, at
– TLC Park Concert Grounds, Taguig City

Pinapayuhan ang mga driver na bisitahin ang opisyal na Facebook pages ng DSWD at LTFRB upang alamin kung sila ay kabilang sa listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo at para sa iba pang detalye ng payout. VC