IBCTV13
www.ibctv13.com

SSS, naglaan ng P60-B para sa pinalawak na benepisyo, maagang taas-pensyon sa gitna ng energy emergency

888
Views

[post_view_count]

IBC File Photo

Pinalawak ng Social Security System (SSS) ang access sa mga benepisyo at tulong para sa mga miyembro at pensioners nito sa gitna ng hamon sa enerhiya.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., naglaan ang SSS ng P60 bilyong pondo para palakasin ang mga umiiral nitong programa at sa maagang pagpapatupad ng taas-pensyon ngayong 2026 bilang agarang tulong-pinansyal sa mga miyembro, pensioners, at mga employer.

Para sa Emergency Loan Program, naglaan ang SSS ng hanggang P27 bilyon kung saan maaaring umutang ang bawat miyembro ng hanggang P20,000, na may interes na 7% kada taon at may anim na buwang palugit sa pagbabayad.

Binawasan naman ang kinakailangang hulog mula 36 buwan patungong 18 buwan, basta may hindi bababa sa anim na kontribusyon sa loob ng nakaraang 12 buwan.

Sakop ng programa ang mga miyembrong may maliit na pagkakautang at ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Para sa Micro-Loan Program, maaaring humiram ng P1,000 hanggang P20,000 na may termino ng pagbabayad mula 15 hanggang 90 araw at interes na 8% kada taon.

Ito ay maaaring i-avail sa pamamagitan ng digital platforms at partner financial institutions.

Sa ilalim ng Loan Penalty Condonation, maaari namang ma-waive ang penalties ng mga miyembrong may past-due loans kapag nabayaran ang principal at interes.

Pinapayagan din ang one-time settlement o installment na hanggang 60 buwan na may minimum na 10% downpayment.

Handog naman ng SSS ang employer contribution delinquency reliefs para sa mga employer na may hindi nabayarang kontribusyon, kabilang ang penalty condonation at restructuring.

Magbibigay ito ng pagkakataon sa mga negosyo at household employers na mabayaran ang kanilang obligasyon nang walang dagdag na multa, habang napapanatili ang benepisyo ng kanilang mga empleyado.

Bahagi rin ng pondo ang early implementation of pension increase para sa 2026, kung saan tataas ng 10% ang retirement at disability pensions, habang 5% naman ang dagdag sa death at survivor benefits. – VC