IBCTV13
www.ibctv13.com

Suplay ng kuryente sa 1.6 milyong kabahayan hanggang 2034, ibibigay ng Malampaya reserve – PBBM

80
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. conducted a fly-by on July 14 2025, over the ongoing Malampaya Phase IV drilling project in Palawan, as part of efforts to expand the country’s supply of energy resources. (File photo of PCO)

Masayang ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang tagumpay ng bansa sa sektor ng enerhiya dahil ang nahukay na untapped reserved na 222 bilyong cubic feet ng natural gas ng bansa ay sapat upang makapagbigay ng kuryente sa tinatayang 1.6 milyong kabahayan sa loob ng susunod na walong taon.

Ayon sa Pangulo, ang mga reserba ay natuklasan kasunod ng muling pagsisimula ng drilling operations sa Malampaya gas field matapos palawigin ang service contract nito hanggang 2039.

“Because of the extension of the Malampaya service contract until 2039, drilling operations once again resumed for the first time in eight years. What we have uncovered is truly a national treasure: an untapped reserve of 222 billion cubic feet of natural gas, which bodes well for the continuous production of our premier gas field until 2034,” ani Pangulo.

Kasunod ng tagumpay, ibinahagi ng Pangulo na nakapagkaloob na ang administrasyon ng kabuuang 14 na petroleum service contracts sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ito ang pinakamataas na bilang ng naturang mga kontrata na naipagkaloob sa loob ng isang termino ng sinumang pangulo sa kasaysayan ng bansa.

Sa 14 na kontrata, apat ang inilaan para sa paglinang ng hydrogen, na maaaring magsilbing back-up fuel para sa mga planta ng kuryente, lalo na sa mga off-grid area.

Samantala, dalawa sa mga bagong iginawad na petroleum service contracts ay kapwa pinangangasiwaan ng pambansang pamahalaan at ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng politika sa bansa.

Dahil dito, malugod na ibinalita ng Pangulo na nakahanda na ang BARMM na isulong ang strategic vision nito para sa seguridad sa enerhiya at total electrification sa buong rehiyon ng Bangsamoro.

“Two of the newly awarded petroleum service contracts are co-managed with the BARMM Government. This is the first time in our political history. BARMM is now firmly set to pursue its strategic vision of energy security and total electrification for and in the Bangsamoro region,” ulat ng Pangulo. VC