IBCTV13
www.ibctv13.com

UPLIFT assistance para sa mga may mababang kita na SSS members, sisimulan na sa susunod na linggo – DSWD

Michael Peronce
115
Views

[post_view_count]

UPLIFT Assistance for Group 3 beneficiaries to begin as early as this week to early next week, according to DSWD. (Photo courtesy to DSWD, UPLIFT site)

Nakatakdang umarangkada ang unang bugso ng pamamahagi ng cash assistance para sa mga kwalipikadong empleyado na may mababang kita sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program ngayong linggo o sa unang bahagi ng susunod na linggo. 

Ito ay kasunod ng pagsusumite ng Social Security System (SSS) ng inisyal na listahan ng hanggang isang milyong kwalipikadong mga miyembro na tatanggap ng P2,000 kada buwan mula Hulyo hanggang Disyembre. Sila ay kabilang sa target na 7.5 milyong kabahayan ng pamahalaan sa buong bansa sa ilalim ng programa. 

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Atty. Adonis Sulit, naipadala na ng mga opisyal ng SSS ang listahan ng mga benepisyaryo sa Land Bank of the Philippines. 

“Very soon, inaasahan namin, siguro pinakamatagal na yung next week na Lunes or Martes. Pero the earliest is until this week ay makakatanggap na po ang mga na-identify na low-income or low-wage earners mula sa registry ng SSS,” pagtitiyak ni Sulit. 

Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa Group 3 na tinukoy sa ilalim ng mas pinalawak na UPLIFT Program at binubuo ng 1.5-M low-income na SSS members batay sa database state-run social insurance program. 

Direktang ipapasok ang P2,000 tulong-pinansyal sa SSS disbursement accounts ng mga Group 3 beneficiary. – VC