
Nakatakdang bumisita si General Secretary of the Central Committee of the Communist Party and President of the Socialist Republic of Viet Nam Tô Lâm sa Pilipinas para sa pagsasagawa ng dalawang araw na state visit mula Mayo 31 hanggang Hunyo 1.
Sasalubungin ang Viet Nam’s party leader ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at magmamarka sa kauna-unahang state visit nito sa bansa.
Kasabay ng nasabing pagbisita ang nalalapit na ika-50 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Viet Nam at ng dekadang strategic partnership ng dalawang bansa.
Magkakaroon ng bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider upang talakayin ang matatag na pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa sa Timog-Silangang Asya, kasabay ng pagpapalakas sa kalakalan at pamumuhunan, food security, defense and maritime cooperation, edukasyon, turismo, at people-to-people exchanges.
Itinuturing ang Viet Nam bilang nag-iisang strategic partner ng Pilipinas sa Southeast Asia, bunga ng produktibong ugnayan sa pagitan ng mga opisyal, pribadong sektor at mga komunidad sa grassroots level.
Samantala, nakatakdang buksan ang Philippine Consulate General sa Ho Chi Minh City sa kalagitaan ng 2026, kung saan tahanan ang nasabing bansa sa higit 7,000 mga Pilipino. – MP











