IBCTV13
www.ibctv13.com

15,000 media workers, bida sa inilunsad na BPSF sa Pasig City

Ivy Padilla
160
Views

[post_view_count]

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair kick-off in Pasig City on Sunday, October 13. (Photo by Earl Tobias, IBC News)

Mahigit 15,000 miyembro ng media industry ang nakatanggap ng tulong-pinansyal at iba pang serbisyo ng pamahalaan kasunod ng pag-arangkada ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Pasig City ngayong Linggo, Oktubre 13. 

Aabot sa P75-milyon ang kabuuang halaga ng tulong na ipinagkaloob ng pamahalaan sa nasabing kaganapan na may temang “Paglinang sa Industriya ng Paglikha”. 

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga propesyunal mula sa iba’t ibang sektor gaya ng pelikula, telebisyon, teatro, at radyo.

“Ang BPSF ay isa sa mga programa ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na may layuning matulungan ang bawat sektor ng ating lipunan, kabilang ang mga nasa creative industry. Ipinapakita nito na hindi natin nakakalimutan ng pamahalaan ang ating mga manggagawa sa larangan ng sining at media,” mensahe ni House Speaker Martin Romualdez.

Personal ding dumalo sa pagtitipon sina Sen. Bong Revilla, ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, Pasig City Rep. Roman Romulo, Quezon City Rep. Arjo Atayde, Quezon City Rep. Franz Pumaren, at Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla. 

Nakibahagi rin dito ang mga kinatawan mula sa Film Academy of the Philippines, Film Development Council of the Philippines, Mowelfund Film Institute at Metro Manila Film Festival.

Ito ang kauna-unahang BPSF na inilunsad para sa creative industry na magtatagal hanggang sa Lunes, Oktubre 14. 

Related Articles

National

17
Views

National

Divine Paguntalan

51
Views