IBCTV13
www.ibctv13.com

FPRRD, isa sa mga posibleng nakinabang sa POGO operation sa bansa – Sen Hontiveros

Divine Paguntalan
185
Views

[post_view_count]

Alleged relationship map of the personalities involved in the POGO operations in the Philippines. (Photo by Senator Risa Hontiveros/Facebook)

Kabilang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga personalidad na lumutang at posibleng nakinabang sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas batay sa lahat ng nakalap mula sa buong imbestigasyon ng Senate Committee on Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Inilabas na ni Senator Risa Hontiveros ang isang relationship map ng mga umano’y sangkot at nakinabang sa naturang iligal na online gaming operations sa bansa kung saan nasa pinakaitaas nito si FPRRD.

Lumalabas na nauugnay ang dating Pangulo sa mga negosyanteng Chinese na hinihinalang malaki ang kontribusyon sa pagpapatakbo ng POGO hubs sa bansa.

Nitong Martes, Nobyembre 26, natapos na ang pagdinig ng Senado kaugnay sa pang-aabuso na idinulot ng POGO sa mga Pilipino at iba pang dayuhan na biktima nito.

Ipinangako ng senador na maghahain siya ng mga batas upang paigtingin ang pagpigil sa pang-aabuso sa mga manggagawa at matigil na ang iba pang iligal na gawain na nasiwalat sa mga pagdinig.

“Ipapasa natin ang mga angkop na batas para paigtingin ang mga sistema kontra-abuso sa civil registration, immigration, money laundering, kandidatura sa eleksyon, at national security,” pahayag ni Hontiveros.

“Sa mga biktima ng mga POGO, sa loob at labas ng bansa, this is for you. Sa mga kababayan nating Pilipino na hirap na hirap makakuha ng ID, birth certificate at iba, pero araw araw namumuhay ng may dangal at lumalaban nang patas, this is for you,” dagdag niya. – VC