IBCTV13
www.ibctv13.com

Kapatid na OFW ni Mary Jane Veloso na inabuso sa Saudi Arabia, nakauwi na sa Pilipinas

Ivy Padilla
157
Views

[post_view_count]

OFW and the sister of Mary Jane Veloso safely arrived from Saudi Arabia on Friday night, November 29. (Photo by DMW Sec. Hans Leo Cacdac/X)
Kinumpirma ni Department of Migrant Worker (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na ligtas na nakauwi sa Pilipinas ang overseas Filipino worker (OFW) na kapatid ni Mary Jane Veloso matapos umanong makaranas ng sexual abuse sa Saudi Arabia.

“The sister of OFW Mary Jane Veloso, OFW Maritess, arrived home safely last night from Saudi Arabia,” saad ni Cacdac sa isang post.

Ayon sa Kalihim, sinalubong ng mga kawani ng ahensya ang umuwing Pinay sa isang paliparan sa bansa nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 29.

“She was received by Team DMW Philippines together with her LGU, she was given financial assistance and transportation,” ani Sec. Cacdac.

Naiparating sa DMW ang sitwasyon ng kapatid ni Mary Jane matapos personal na bumisita si Migrant Sec. Cacdac sa tahanan ng pamilya Veloso noong Nobyembre 23.

Dito ay nangako si Cacdac nang mabilis na pagtugon sa kalagayan ng biktima.

Sa pagbabalik-bansa nito, tiniyak ng DMW ang patuloy na suporta kabilang na ang tulong-pinansyal mula sa ahensya.

Magkakaloob din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng psychological counseling habang magbibigay naman ng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).