IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga konsyumer, walang dapat ipangamba sa ‘VAT on Digital Services Law’ – BIR

Divine Paguntalan
197
Views

[post_view_count]

BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. during a press briefing on the newly signed Value Added Tax (VAT) on Digital Services. (Screengrab from RTVM)

Tiniyak ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. na walang dapat ipangamba ang mga konsyumer sa Value-Added Tax on Digital Services Law dahil wala itong malaking epekto sa kanilang subscription sa mga digital platform.

Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Miyerkules, Oktubre 2, upang mapaigting ang responsibilidad ng mga kumpanya na magbayad ng tamang buwis.

Ipinaliwanag ni Lumagui na ang pagkolekta ng VAT mula sa mga foreign Digital Service Providers (DSPs) ay inaasahang makatutulong para mailebel ang ‘playing field’ sa parehong lokal at banyagang negosyo.

“Unang-una hindi po dapat tayo mangamba dito sa VAT on Digital Service Providers because unang-una napakaganda ng layunin ng batas,” pagtitiyak ng BI Commissioner.

Nagbibigay-daan din ito sa pamahalaan na makakolekta ng patas na buwis mula sa foreign businesses.

Bagaman posibleng magkaroon ng kaunting pagtaas sa presyo ng mga serbisyo ng DSPs, nilinaw naman ni Lumagui na ito ay magiging minimal lamang kung saan hindi naman ito magiging kaakibat ng implementasyon ng 12% VAT na ipapataw sa mga DSP.

“Hindi naman natin in-expect na magiging malaki ang pagtaas ng presyo nito kung magkakaroon man. And ang tinitingnan nga natin baka naman posible rin, malaki rin naman ang chance na hindi rin naman magtaas ang presyo ng mga produktong ito,” dagdag niya.

Kaugnay nito, hindi lamang nagpoprotekta sa mga lokal na negosyo ang pagkolekta ng nasabing VAT dahil makatutulong din ito bilang pandagdag pondo para sa mga proyekto at programa ng pamahalaan na mapakikinabangan ng mga Pilipino. — AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

81
Views