IBCTV13
www.ibctv13.com

Muling pagbubukas sa slay case ni PCSO exec. Wesley Barayuga, ipinagpasalamat ng pamilya ng opisyal

Ivy Padilla
101
Views

[post_view_count]

(Photo by House of Representatives/File)

Nagpasalamat ang pamilya ng pinaslang na retired police general at former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary na si Wesley Barayuga, sa Quad Committee ng House of Representatives at mga witness na tumestigo upang mabuksang muli ang kaso ng pagpatay sa opisyal noong 2020.

Matatandaang ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil ang agaran at muling pagbubukas sa ‘murder investigation’ ni Barayuga kamakailan.

Ito ay kasunod ng testimonya ni Police Lieutenant Colonel Santie Mendoza sa committee hearing noong Setyembre 27 na inutusan umano siya nina National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo at former PCSO General Manager Royina Garma para patayin si Barayuga.

Inamin ni Mendoza na si Garma umano ang nagbigay ng ‘intelligence’ report para palabasin na may kaugnayan ang pagpaslang kay Barayuga sa iligal na droga.

Naniniwala ang pamilya ni Barayuga na daan ang muling pagbubukas ng kaso upang malinis ang pangalan ng dating opisyal na iniugnay sa droga.

“Maraming salamat sa lahat ng nagsusuporta. We continue to ask for prayers as we heal from this tragedy,” pasasalamat ng pamilya.

Related Articles

National

Divine Paguntalan

81
Views