IBCTV13
www.ibctv13.com

Pondo ng PCG, mas tumaas sa ilalim ng Marcos Jr. admin – spox

Ivy Padilla
115
Views

[post_view_count]

Photo by PCG

Inihayag ni Philippine Coast Guard (PCG) Commander Jay Tarriela na nabigyan ng mas mataas na budget ang ahensya sa ilalim ng panunungkulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 

“Simula noong dumating ang administrasyon ni Pangulong ‘Bongbong’ Marcos  ay nabigyan po ng mas mataas na budget ang Philippine Coast Guard,” saad ni Tarriela sa isang news forum ngayong Sabado, Nobyembre 30. 

Ayon kay Tarriela, nagbigay-daan ito upang magkaroon ng mas maraming tauhan ang PCG at mas maging epektibo ang kanilang bawat misyon. 

“This is the reason why we were able to expand [to] as many as 30,000 personnel right now,” ani Tarriela. 

Binanggit din ng opisyal na tutulungan ng French government ang PCG para sa pagtatayo ng 40 35-meter vessels sa susunod na taon. 

Bukod dito, patuloy ang suporta ng Japan na nakatakdang magtayo ng mas marami pang sasakyang pandagat para sa ahensya. 

Sa ngayon, humihingi ng tulong ang PCG sa mga mambabatas upang maitayo ang kanilang national homebase at sarili nitong port facility. 

“Ito ay isang adhikain ni (PCG chief) Admiral (Ronnie Gil Latorilla) Gavan to reach out to our lawmakers na masuportahan na magkaroon ng isang disente at malaking national headquarters ang Philippine Coast Guard,” ani Tarriela.