IBCTV13
www.ibctv13.com

Speaker Romualdez, ikinatuwa ang tumaas na credit rating ng PH, iniugnay sa nagkakaisang pamumuno ni PBBM

Divine Paguntalan
177
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. signed the CREATE MORE Act into law to help boost the Philippine economy. (Photo by PCO)

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang pagtaas ng credit rating outlook ng Pilipinas patungong ‘positive’ mula sa American credit rating agency na S&P Global Ratings.

Ayon kay Speaker Romualdez, indikasyon ito na matagumpay ang mga hakbangin ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng bansa.

“Ang pagtaas ng ating credit rating outlook ay patunay ng matatag na pamumuno ni Pangulong Marcos. Sa kabila ng kabi-kabilang hamon sa ating lipunan, nananatiling nakatuon ang administrasyon sa pagpapabuti ng kabuhayan ng bawat Pilipino,” mensahe ni Romualdez.

Nakatulong din aniya ang pagpapalakas ng mga economic policy at reporma sa buwis dahil nagbigay-daan ito sa international community na magkaroon ng kumpiyansa sa kakayahan ng Pilipinas tungo sa maunlad na ekonomiya.

Matatandaan nitong Nobyembre, nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Marcos Jr. ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act na layong suportahan ang business community at palakasin ang kumpiyansa ng mga investor na mamuhunan sa parehong malaki at maliit na negosyo sa bansa.

Tiniyak naman ni Romualdez na buo ang suporta ng Kongreso para sa mga patakaran at proyektong ipatutupad ng administrasyon kaugnay sa pagpapalago pa ng ekonomiya ng Pilipinas.

“Patuloy tayong nakatuon sa mga proyektong magbibigay ng direktang benepisyo sa ating mga kababayan, lalo na sa pinakamahihirap,” saad ni Romualdez. – VC