IBCTV13
www.ibctv13.com

17 Pinoy seafarers na bihag ng Houthi rebels, makakauwi na sa Pilipinas – PBBM

Divine Paguntalan
271
Views

[post_view_count]

The 17 seafarers that were captured by Houthi rebels in Yemen last November 2023 are already in the care of the Philippine embassy in Muscat, Oman on January 23, 2025 (PST). (Photo from PCO)

Masaya at buong pasasalamat na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ligtas na paglaya ng 17 Pinoy seafarers na higit isang taon na mula nang maging bihag ng mga rebeldeng Houthi sa Yemen.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., babalik na sa Pilipinas ang mga nasabing Pilipino kung na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Philippine Embassy sa Muscat, Oman.

“It is with utmost joy that, after more than a year of captivity in Yemen, I announce the safe release of all seventeen [ 17 ] Filipino seafarers, together with the rest of the crewmembers of M/V Galaxy Leader,” saad ng Pangulo.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos Jr. kay Sultan Haitham bin Tarik ng Oman at sa pamahalaan ng bansa para sa matagumpay na pakikipag-ugnayan na nagresulta sa ligtas na paglaya ng mga Pilipinong mandaragat.

Matatandaang noong Nobyembre 2023 nang ma-hijack ng mga Houthi ang cargo vessel na M/V Galaxy Leader malapit sa Hodeidah habang naglalayag patungo sa India.

Bilang tugon sa insidente, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng Republic Act. No. 12021 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Aniya, ang naturang batas ay titiyak sa proteksyon, karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong seafarers.

Layon din nitong mabigyan ang mga tripulante ng patas na oportunidad sa edukasyon, training, development, at trabaho sa maritime industry, alinsunod sa mga lokal at internasyonal na batas at pamantayan. – AL