IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, target na maging number one ang Pilipinas sa susunod na PISA

121
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. visited Corazon Aquino National High School in Pasay City today, September 28, to recognize schools that participated in the 2025 Programme for International Student Assessment. (Photo courtesy of PCO)

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang target ng pamahalaan na maging nangungunang bansa ang Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA).

Bumisita ang Pangulo sa Corazon Aquino National High School sa Pasay City para sa pagkilala sa mga paaralan at education partners na nakiisa sa PISA 2025 ngayong Lunes, Setyembre 28.

Matatandaang inilabas kamakailan ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) ang resulta ng PISA 2025, kung saan tumaas ng 20 puntos ang marka ng Pilipinas sa reading, 17 puntos sa science, at 16 puntos sa mathematics kumpara noong 2022.

Ang PISA ay pandaigdigang pagtatasa na sumusukat sa kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa mathematics, science, at reading.

Ayon sa Pangulo, kayang-kaya ng bansa na habulin ang number one dahil magagaling at masisipag ang mga Pilipinong mag-aaral at guro.

“Kayang-kaya dahil napakagaling ng ating mga estudyante, napakagaling ng ating mga guro, napakabait at napakasipag ng ating mga magulang,” ani Pangulo.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng PISA sa pagsukat hindi lamang ng kaalaman ng mga mag-aaral kundi pati na ng kanilang kakayahang gamitin ang mga natutuhan sa pang-araw-araw na buhay.

“We want our children to understand what they read, apply mathematics to solve day-to-day problems, and use science to improve their lives,” dagdag ng Pangulo.

Gayunman, sinabi ng lider na hindi dapat ituring na pangwakas na sukatan ang resulta ng PISA.

Sa halip, dapat itong magsilbing batayan sa pagpapatuloy at pagpapalakas ng mga reporma sa sektor ng edukasyon.

Kabilang dito ang ARAL Program ng Department of Education na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na makahabol sa kanilang mga kasanayan sa reading, mathematics, at science.

Gayundin ang binagong K to 10 curriculum na nagbibigay ng higit na pokus sa literacy numeracy, at iba pang pundasyong kasanayan ng mga mag-aaral.

“We have improved from 2022, but we have a long way to go to catch up with our neighbors in the region. But given the right support and the proper opportunities, Filipino students can compete on the global stage,” ani Pangulo. – VC