IBCTV13
www.ibctv13.com

Chinese bearing manufacturer, maglalaan ng paunang $87-M para sa pagtatayo ng planta sa Batangas

153
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. met with C&U Group, a Chinese-based manufacturing company, on the sidelines of the 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting in Shenzhen, China on Friday, November 20. (Photo courtesy of PCO)

Nangako ang Chinese bearing manufacturer na C&U Group ng paunang $87 milyon o mahigit P5.50 bilyon na puhunan para sa pagtatayo ng 20-ektaryang manufacturing facility sa Alitagtag, Batangas.

Tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang investment plan kasama ang mga opisyal ng C&U Group sa sidelines ng 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China ngayong Biyernes, Nobyembre 20.

Batay sa investment plan, magtatayo ang kumpanya ng isang fully-integrated production facility na nakatuon sa paggawa ng bearings at iba pang kaugnay na piyesa.

Inaasahang magiging pinakamalaking manufacturing base ng C&U Group sa labas ng China ang naturang pasilidad at magsisilbi ring kauna-unahan at nag-iisang production site nito sa Southeast Asia.

Bukod sa paglikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino, inaasahang mapalalakas din ng proyekto ang kapasidad ng Pilipinas sa manufacturing, partikular sa paggawa ng mga piyesang ginagamit sa automotive, industrial, at robotics applications.
Bahagi ang pamumuhunan ng pagsisikap ng pamahalaan na makahikayat ng mas maraming foreign investor, mapalawak ang lokal na industriya, at maitaguyod ang Pilipinas bilang manufacturing hub sa rehiyon.

Bukod sa C&U Group, nagsagawa rin si Pangulong Marcos Jr. ng bilateral meetings at roundtable discussions kasama ang iba pang Chinese companies, kabilang ang BYD Co. Ltd., Panhua Group Co. Ltd., at Mingyang Smart Energy Group Ltd.

Tinalakay sa mga pagpupulong ang posible ring paglalagak ng pamumuhunan ng mga kumpanya sa Pilipinas.

Nasa Shenzhen, China ang Pangulo para sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting, kung saan tinalakay ng mga economic leader ang mahahalagang usaping pang-ekonomiya at mga hakbang upang palakasin ang kooperasyon sa rehiyon. – MP