IBCTV13
www.ibctv13.com

Mas malawak na oportunidad sa trabaho, bubuksan sa mga Pilipinong propesyunal sa 21 APEC countries

70
Views

[post_view_count]

DOLE Project DAPAT Job Fair in SMX Convention Center. (IBC File Photo)

Mas mapapalawak ang oportunidad ng mga Pilipinong propesyunal na makapagtrabaho sa ibang bansa kasunod ng pagkilala ng 21 bansang kasapi ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Mutual Recognition Agreements (MRA).

Sa kanyang talumpati sa APEC 2026 Summit na ginanap sa Shenzhen, China, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagkilala ng mga bansa sa kwalipikasyon ng mga propesyunal upang mapadali ang paggalaw ng mga manggagawa sa rehiyon.

Sa ilalim ng MRA, inaasahang mapabibilis ang proseso ng pagkilala sa mga kwalipikasyon ng mga Pilipinong propesyunal na nais magtrabaho sa mga bansang kasapi ng APEC.

Bago ang naturang kasunduan, kinakailangan pang sumailalim ang mga aplikante sa karagdagang edukasyon o pagsasanay upang matugunan ang mga pamantayan at regulasyon ng bansang kanilang pupuntahan.

Dahil dito, naaantala ang kanilang pagpasok sa trabaho at pagkakaroon ng kita para sa kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng kasunduan, inaasahang mababawasan ang mga hadlang sa pagkilala sa kwalipikasyon ng mga propesyunal at mas mapabibilis ang kanilang pagpasok sa pandaigdigang merkado ng paggawa.

Bahagi rin ang MRA ng layunin ng APEC na palakasin ang kooperasyong pang-ekonomiya, malayang kalakalan at pagpapalitan ng kaalaman at kasanayan sa rehiyon.

Batay sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), may kabuuang 5,851,893 registered professionals sa iba’t ibang larangan sa Pilipinas as of December 31, 2025. – IP