IBCTV13
www.ibctv13.com

Mas murang pagkain at enerhiya, inaasahang benepisyo ng pagbubukas ng US market sa Pilipinas – PBBM

51
Views

[post_view_count]

US President Donald Trump visited Malacañang for a state visit and bilateral talks with President Ferdinand R. Marcos Jr. last Wednesday, November 18. (Photo courtesy of PCO)

Inaasahang makikinabang ang mga Pilipino sa mas abot-kayang presyo ng pagkain at enerhiya kasunod ng pagbubukas ng merkado ng Estados Unidos para sa mas malawak na pag-aangkat ng Pilipinas ng mga produktong agrikultural at suplay ng enerhiya.

Ito ang naging resulta ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Donald Trump sa State Visit ng American leader sa Malacañang noong Miyerkules, Nobyembre 18.

Sa press conference kasama ang Philippine media sa Shenzhen, China, noong Nobyembre 20, kasunod ng kanyang matagumpay na pakikibahagi sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, binigyang-diin ng Pangulo na magbibigay ang kanilang pag-uusap ni Trump ng mas maraming opsyon sa Pilipinas upang makakuha ng mga produkto sa mas kompetitibong presyo.

Ito ay para makatulong sa pagpababa ng inflation at pagpapalakas ng food at energy security ng bansa.

“The agri products in the United States have been highly regulated. Dati ang hirap pumasok sa merkado nila. Now that has been made available to us, those are the things that we are discussing. We are looking for cheaper sources of food products, sources for energy importation,” ani Pangulo.

Kabilang sa mga produktong maaaring mapalawak ang soybeans, wheat, at bigas.

Kaugnay nito, binigyang-diin din ng punong ehekutibo ang pangangailangan ng Pilipinas na makahanap ng mas murang mapagkukunan ng enerhiya dahil direktang nakakaapekto ang pagtaas ng presyo ng langis sa halaga ng pangunahing bilihin.

“The other discussion that we had with President Trump, in terms of trade, centered around energy and, again, food. Kasi ‘yan ang problema natin. Our inflation is like that because of the inflation rate of oil. The increase in food is because of the increase in the price of oil. It’s all part of it,” ani Pangulong Marcos Jr.

Giit pa ng Pangulo, mahalaga ang pagpapalawak ng bilang ng mga trading partner ng Pilipinas upang magkaroon ng alternatibong mapagkukunan ng mga produkto at hindi lamang umasa sa iisang bansa, lalo na sa panahon ng krisis.

“‘Pag marami kang naaasahan, kahit magkaproblema ang isa, pwede ka pang tumakbo doon sa mga iba. And that’s why the trade deal is important,” saad ng Pangulo.

Sa kasalukuyan, sinimulan na ng mga kalihim ng gabinete ang pagtalakay sa mga detalye ng napag-usapan ng dalawang lider, habang target ng pamahalaan na maisapinal sa lalong madaling panahon ang usapin kaugnay ng taripa. – VC