IBCTV13
www.ibctv13.com

2.6-M bagong trabaho, bukas para sa mga Pilipino ngayong taon – DOF

Divine Paguntalan
70
Views

[post_view_count]

DOF Secretary Ralph Recto (Photo from DOF)

Pinuri ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang paglikha ng panibagong 2.6 milyong bagong trabaho para sa mga Pilipino ngayong 2025 kalakip ang paglawak ng partisipasyon ng mga kabataan sa labor market.

“This good news affirms that our efforts to unlock the full potential of our demographic sweet spot are paying off,” pagbati ni Sec. Recto.

“Through targeted government action and strategic reforms, we are not just creating more jobs—we are expanding opportunities and empowering our young workforce to drive innovation, productivity, and sustained long-term growth,” dagdag niya.

Batay sa January 2025 Labor Force Survey (LFS), tumaas ang labor force participation rate sa 63.9% mula 61.1% noong nakaraang taon, o katumbas ng 2.6 milyong karagdagang Pilipino mula sa iba’t ibang edad na sumali sa labor market.

Kapansin-pansin din ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang edad 15-24 na napapabilang sa labor market, mula 29.7% noong Enero 2024 patungo sa 31.8% ngayong taon.

Kaugnay nito, bumaba ang porsyento ng kabataang hindi nag-aaral, walang trabaho, o hindi sumasailalim sa training (NEET) sa 11.7% mula sa 13.7% noong nakaraang taon.

Tiwala si Recto na patuloy na lalakas ang merkado ng paggawa dahil sa mga repormang isinasagawa ng pamahalaan upang palakasin ang kakayahan ng mga Pilipino sa modernong ekonomiya.

Ilan sa mga pangunahing hakbang ng gobyerno upang mapaunlad ang kasanayan ng mga manggagawa ay ang Enterprise-Based Education and Training Program ng TESDA, Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program Act, CREATE MORE Act, at AI Strategy Roadmap.

Sa tulong ng mga hakbang na ito, umaasa ang pamahalaan na hindi lang basta trabaho ang malilikha kun’di de-kalidad na mga oportunidad na magpapalakas sa kinabukasan ng manggagawang Pilipino. – VC