IBCTV13
www.ibctv13.com

2024 PBB ng mga kwalipikadong gov’t employee, ipapalabas ngayong taon – Palasyo

187
Views

[post_view_count]

Personnel work inside a government newsroom in this undated photo. Palace Press Officer Claire Castro said today, July 9, that eligible government employees are expected to receive their 2024 Performance-Based Bonus (PBB) within the year, with funding provided under the 2026 General Appropriations Act. (File Photo of PNA)

Inaasahang matatanggap na ng mga kwalipikadong kawani ng pamahalaan ang kanilang 2024 Performance-Based Bonus (PBB) ngayong taon, ayon sa Malacañang.

Sa press briefing ngayong araw, Hulyo 9, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na nakalaan na ang pondo para rito sa 2026 General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay Castro, maaaring maipamahagi ang bonus nang mas maaga depende sa schedule ng implementasyon ng Department of Budget and Management (DBM).

“Inaasahang maipagkakaloob ngayong taon. Baka mas maaga pa. Ang pondo para rito ay nakapaloob sa FY 2026 General Appropriations Act,” ani Castro.

Inaprubahan ng Office of the President (OP) ang pagbibigay ng 2024 PBB sa mga kwalipikadong empleyado ng pamahalaan kasunod ng isinagawang pagsusuri ng Technical Working Group na binuo sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 61, na nilagdaan noong 2024.

Layunin ng EO No. 61 na gawing mas simple ang performance management at incentives system ng gobyerno.

Batay sa memorandum circular (MC) na inilabas noong Hulyo 3, kinakailangang makakuha ang isang ahensya ng kabuuang iskor na hindi bababa sa 70 points upang maging kwalipikado sa PBB.

Samantala, ang mga ahensyang makakakuha ng rating na mas mababa sa apat sa alinmang eligibility criterion ay hindi makatatanggap ng bonus.

Nakasaad din sa MC na ang mga yunit at indibidwal, kabilang ang pinuno ng isang tanggapan, na mapatutunayang responsable sa anumang deficiency ay ihihiwalay at hindi isasama sa mga tatanggap ng FY 2024 PBB.

Ang PBB ay isang insentibong ibinibigay sa mga kawani ng mga ahensyang nakatutugon sa mga itinakdang pamantayan ng performance management system ng pamahalaan. – VC