IBCTV13
www.ibctv13.com

Interes ng mga dayuhang namumuhunan sa Pilipinas, nananatiling mataas – FPI

88
Views

[post_view_count]

Approved foreign investment commitments in the Philippines doubled to P166 billion in the third quarter, with manufacturing accounting for more than half of the total. (IBC File photo)

Nanatiling interesado ang mga foreign investor sa Pilipinas dahil sa mga oportunidad sa bansa, ayon sa Federation of Philippine Industries (FPI).

Batay sa datos, mahigit doble ang itinaas ng halaga ng mga aprubadong foreign investment commitment o ipinangakong pamumuhunan mula sa ibang bansa nitong ikatlong quarter ng 2026, na umabot sa P166 bilyon.

Mahigit kalahati mula sa kabuuang halaga nito ay nakalaan para sa manufacturing sector.

Gayunman, nananatiling mas mababa sa naitalang antas noong nakaraang taon ang aktwal na pagpasok ng foreign direct investments (FDI) sa bansa.

Ayon kay FPI Chairperson Elizabeth Lee, hindi ang paghikayat sa mga dayuhang mamumuhunan ang pangunahing hamon ng Pilipinas, kundi ang pagtiyak na maisasakatuparan ang kanilang mga ipinangakong investment.

“The issue is converting commitments into concrete investments. Pledges do not create jobs until they become factories,” ani Lee.

Dahil dito, iginiit ni Lee ang pangangailangang palakasin ang kumpyansa ng mga mamumuhunan sa bansa.

Kabilang sa mga pangunahing salik na nais matiyak ng mga mamumuhunan ang maayos na pamamahala, abot-kayang presyo ng kuryente, malinaw at pare-parehong pagpapatupad ng mga patakaran, at matatag na ekonomiya.

“Investors need confidence that policies will be applied consistently, that regulations will be transparent and predictable, and that institutions will uphold accountability and the rule of law. Businesses can operate under clear rules. What makes investment decisions difficult is uncertainty,” ani FPI Chair.

Binigyang-diin naman ng FPI chairperson ang kahalagahan ng pagpapalakas sa manufacturing sector at pamumuhunan sa enerhiya upang masuportahan ang pangmatagalang paglago ng ekonomiya at makalikha ng mas maraming trabaho.

“The opportunity is there. The capital is interested. Our task now is to create the confidence needed to turn investor interest into factories,” ayon kay Lee. – MP