
Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangmatagalang kooperasyon sa pagitan ng pambansang pamahalaan at Bangsamoro Government kasabay ng paglulunsad ng “Bawat Bayan Makikinabang and the Bangsamoro Government Convergence Program” sa Maguindanao del Norte ngayong Miyerkules, Hulyo 22.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na nakaayon ang pagtutulungan ng dalawang gobyerno sa responsibilidad at nagkakaisang pananaw na tiyakin ang kapakanan at dignidad ng bawat Pilipino.
“As we gather here today, we reaffirm the enduring partnership between the National Government and the Bangsamoro Government. One anchored on mutual trust, shared responsibility, and a firm commitment to our people,” ayon kay Pangulong Marcos Jr.
Bilang suporta sa adhikaing ito, inilunsad ng punong ehekutibo ang Bawat Bayan Makikinabang (BBM) Program sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan ang bawat barangay sa rehiyon ay makatatanggap ng P200,000 halaga ng pondo.
Mula sa nasabing halaga, P100,000 ang ilalaan sa educational assistance para sa paghubog ng kaalaman at potensyal ng mga kabataan habang ang natitirang P100,000 ay nakatalaga sa mahahalagang prayoridad ng bawat lokal na komunidad.
“Together, we are advancing a shared vision of a more peaceful, prosperous, and inclusive Philippines, guided by the belief that the strength of our nation rests on the well-being and dignity of every Filipino,” saad ng Pangulo.
Mula Abril 8 hanggang Hulyo 17, iniulat ni Pangulong Marcos Jr. na nakapaghatid na ang programa ng halos P7 bilyon na assistance sa 34,830 sa buong bansa.
Bago ang programa, patuloy nang nakikinabang ang mga mamamayan sa rehiyon mula sa frontline services na ipinagkakaloob ng Bangsamoro Government.
“In fact, there are 15 BARMM ministries and offices here—led by the Office of the Chief Minister—that will turn over various assistance for at least a thousand of your local beneficiaries,” dagdag ng punong ehekutibo.
Mula Enero 2025 hanggang Mayo 2026, nakapagpadala na ang gobyerno ng social at basic services na kinabibilangan ng relief at burial assistance, at serbisyong medikal sa higit 18,200 na mga benepisyaryo, habang higit 26,800 Hajj residents ang natulungan sa nakaraang higit dalawang taon.
Bilang bahagi naman ng mas matatag at mapayapang Bangsamoro, inihayag ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatupad ng mga amyenda sa Bangsamoro Organic Law (BOL) kasunod ng ruling ng Korte Suprema sa territorial composition ng BARMM.
Kabilang sa binigyang-diin ng Pangulo ang pag-reschedule sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections sa ikalawang Lunes ng Setyembre, alinsunod sa BOL.
Ito ay para mabigyan ng sapat na panahon ang pagpapatupad ng desisyon ng SC habang itinataguyod ang awtonomiya at demokratikong mithiin ng mga mamamayan ng Bangsamoro.
“We are determined that we will push through with the second Monday of September – in the coming September and to finally achieve our dream, our goal of being able to say that we have a duly elected parliament in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,” ayon kay Pangulong Marcos Jr. – VC











