IBCTV13
www.ibctv13.com

Confidential at intelligence funds ng Office of the President, para sa seguridad ng bansa, kaligtasan ng 155-M Pilipino – budget sponsor

69
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. (File photo of PCO)

Ipinaliwanag ni House Appropriations Committee Senior Vice Chair Albert Garcia ang kahalagahan ng confidential at intelligence funds (CIF) ng Office of the President (OP) para sa mga hakbang na may kaugnayan sa pambansang seguridad, peace and order, at kaligtasan ng mga Pilipino.

Sinabi ito ni Garcia sa House plenary deliberations sa panukalang 2027 national budget, kung saan siya ang budget sponsor.

“Bottom line, yung intelligence fund po is for national security and confidential funds, for peace and order,” ani Garcia.

Ayon kay Garcia, ang paggamit ng CIF ay nasa ilalim ng pagsusuri ng Commission on Audit (COA) alinsunod sa mga umiiral na patakaran at alituntunin sa paggamit ng confidential at intelligence funds ng mga ahensya ng pamahalaan.

Bahagi ng layunin ng naturang pondo ang pagsuporta sa mga hakbang para mapangalagaan ang seguridad at kaligtasan ng tinatayang 115 milyong Pilipino.

Binigyang-diin ni Garcia na maliit lamang ang bahagi ng CIF ng OP kumpara sa kabuuang panukalang pambansang budget sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice na may batayan ang pagkakarooon ng CIF sa OP, partikular sa harap ng mga isyu at pangamba na may kaugnayan sa West Philippine Sea.

Maliban dito, binigyang-diin ni Garcia ang natanggap na unmodified opinion ng OP mula sa COA, na aniya ay nagpapakita lamang ng pagsunod ng tanggapan sa mga kinakailangan sa government auditing.

Nanindigan si Garcia na makatwiran ang inilaan na pondo para sa OP dahil kinakailangan ang sapat na resources upang pondohan ang mga hakbang na nakatuon sa pambansang seguridad, peace and order, at kaligtasan ng publiko. – VC