IBCTV13
www.ibctv13.com

Confidential funds, posibleng ginamit para isulong ang political interest ni VP Sara – House Prosecution Spox. Adiong

Michael Peronce
46
Views

[post_view_count]

House Prosecution Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong said on Tuesday, August 11, that confidential funds meant for secret government operations may have instead been used for activities to boost VP Sara Duterte’s political stock. (Photo courtesy to Rep. Adiong)

Naniniwala si House Prosecution Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong na maaaring ginamit ni Vice President Duterte ang confidential funds para isulong ang kanyang mga planong pampulitika na dapat inilaan sa internal operations ng pamahalaan.

Sa isang radio interview, kinuwestiyon ng 1st District Lanao del Sur Representative ang mga aktibidad na pinaggamitan ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) base sa testimonya ng COA state auditor na si Xylene Del Ocampo sa Senate Impeachment Court.

Ayon sa testigo ng prosekusyon, kabilang sa confidential funds liquidation ng OVP ang Christmas activities, Knights of Rizal event, thanksgiving at coordination meetings, tree planting, gift-giving, at medical missions.

“Sa aking palagay, parang connected dito sa pagkikilala at pangangampanya ng VP,” ani Adiong.

“Paano ka magiging confidential in nature ng Christmas party? Paano ka magkakaroon ng isang confidential by nature na activity na pakikipag-coordinate ka sa Knights of Rizal?,” dagdag niya.

Sa testimonya pa ni Del Ocampo, ang mga aktibidad na ito ay hindi pinapayagan sa ilalim ng Joint Circular na namamahala sa paggamit ng confidential funds.

Ilan aniya sa mga kaganapan ay isinagawa pa mula Disyembre 13-18 noong 2022 kahit sakop lamang mula Disyembre 21-31 ang naging cash advance ng OVP.

“Kasi ang only way you can actually conduct an activity, ang gagastusin mo is ang confidential funds na hindi nauuna muna ang aktibidad bago pa i-release ang pera,” dagdag ni Adiong.

Ginamit din aniya ang confidential funds para sa ‘“reimbursement activities” na hindi saklaw ng alituntunin.

“So mukhang ang tingin natin, ni-reimburse yung activity na hindi saklaw nung ina-allow sa Joint Circular, na mukhang itong activity na ito ay ginagawa para sa kanyang personal,” saad niya.

Sinabi rin ni Adiong na ang pinakahuling testimonya ay dapat na pag-aralan kasabay ng mga naunang katanungan kaugnay sa acknowledgment receipts (AR) ng OVP.

Aniya, kulang sa mga dokumento ang ilang resibo na magpapatunay kung sino ang tumanggap at kung paano ginamit ang pera. –VC