IBCTV13
www.ibctv13.com

DA: Camarines Norte, bird flu-free na!

Ivy Padilla
90
Views

[post_view_count]

Canva file photo

Opisyal nang idineklara ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang probinsya ng Camarines Norte bilang bird flu-free kasunod ng agarang aksyon ng ahensya at mga lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.

Matatandaan noong Disyembre 2024 nang kumpirmahin ng DA ang kaso ng highly pathogenic avian influenza subtype H5N2 sa isang duck farm sa munisipalidad ng Talisay.

Agad nagpatupad ng komprehensibong ‘control strategy’ ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte kabilang ang mabilisang depopulation sa apektadong bakuran, paglilinis at pag-disinfect pati ang mas mahigpit na pagbabantay alinsunod sa Avian Influenza Protection Program (AIPP) guidelines.

Kasunod ng mga inisyatiba ng DA, nag-negatibo sa impeksyon ng bird flu ang 1-kilometer at 7-kilometer radius sa paligid ng apektadong lugar.

Bago pa man naitala ang isolated case, napanatili ng probinsya ng Camarines Norte ang malinis na record laban sa avian influenza na iniuugnay sa pagsisikap at pagtutulungan ng DA at iba pang lokal na yunit. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

216
Views

National

Divine Paguntalan

150
Views