IBCTV13
www.ibctv13.com

Dagdag na importasyon ng mais, mapoprotektahan ang hog raisers mula sa low farmgate prices – DA

118
Views

[post_view_count]

The Department of Agriculture welcomes Executive Order No. 129, which raises the minimum access volume (MAV) for imported corn to 500,000 metric tons from 220,000 metric tons, as part of efforts to cushion the impact of a “very strong” El Niño. (File photo of PNA)

Ikinatuwa ng Department of Agriculture (DA) ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Executive Order No. 129 na nagtataas ng Minimum Access Volume (MAV) para sa importasyon ng mais mula 220,000 MT patungong 500,000 MT.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang mas pinalaking quota ay makatutulong na mapababa ang gastos sa pakain ng mga alagang hayop at maiwasan ang pagtaas ng presyo ng karne.

Aniya, mahalagang magkaroon ng sapat na suplay ng mais sa abot-kayang presyo dahil malaking bahagi ng gastos ng mga nag-aalaga ng baboy at manok ay napupunta sa pakain.

“We need to make sure our livestock and poultry industries have access to the feed ingredients they need without placing additional pressure on consumers,” ani Laurel.

Sa ilalim ng kautusan, papayagan ang pagpasok ng dagdag na suplay ng mais sa panahon na kulang ang lokal na produksyon.

Binigyang-diin naman ng kagawaran na pandagdag lamang ito sa lokal na suplay at hindi pamalit sa mais na itinatanim ng mga magsasakang Pilipino.

Ito ay alinsunod sa inaasahang 1.42 milyong MT yellow corn deficit sa bansa mula Marso hanggang Disyembre 2026.

Inaatasan naman ang MAV Management Committee (MMC) na bumuo ng mga alituntunin para sa patas at malinaw na pamamahagi ng karagdagang 280,000 MT ng mais sa loob ng 30 araw mula sa pagkakabisa ng EO.

Ayon kay Laurel, bahagi ang pinataas na quota sa pagsisikap ng pamahalaan na tugunan ang mataas gastos sa produksyon sa industriya at mahinang presyo ng mga produktong agrikultural sa farmgate. – VC