IBCTV13
www.ibctv13.com

DBM, isinumite ang P7.2 trilyong 2027 NEP kay PBBM; Pormal na ipapasa sa Kongreso bukas

73
Views

[post_view_count]

Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Kim Robert C. De Leon formally submitted the Fiscal Year (FY) 2027 National Expenditure Program (NEP) to President Ferdinand R. Marcos Jr. today, August 10. (Photo courtesy of DBM)

Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang P7.2-trilyong halaga ng National Expenditure Program (NEP) para sa Fiscal Year 2027, ayon sa Malacañang ngayong Lunes, Agosto 10.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pormal na inabot ni DBM Secretary Kim Robert de Leon sa Pangulo ang panukalang pambansang pondo ng administrasyon para sa susunod na taon.

Binigyang-prayoridad sa 2027 NEP ang mga sektor ng edukasyon, kalusugan, kabuhayan, seguridad, at pagpapalakas ng mga komunidad, alinsunod sa temang “people-centered growth for an inclusive and resilient future.”

Layunin ng panukalang expenditure program na mapahusay ang paggamit ng pampublikong pondo sa pamamagitan ng mas mahusay na serbisyo ng pamahalaan at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.

“Layunin nitong gawing mas kapaki-pakinabang ang bawat pisong pampublikong pondo sa pamamagitan ng mas mahusay na serbisyo at mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino,” ayon sa pahayag ng Palasyo.

Inaasahang pormal na isusumite ng DBM sa Kongreso ang panukalang 2027 NEP sa Martes, Agosto 11, para sa budget deliberations.

Isang press briefing ang isasagawa ng DBM sa Malacañang bukas upang ilahad ang mga detalye kaugnay sa NEP. – VC