
Sa loob lamang ng apat na taon, aabot sa P501.431 bilyon ang inaasahang cumulative dividend collections ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kabilang na ang aktuwal at tinatayang matatanggap, mula sa Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs) sa pagtatapos ng 2026.
Batay sa ulat ng Department of Finance (DOF), ito ay 31.15% na mas mataas kumpara sa P382.3-B na kabuuang naipadala ng mga GOCC sa buong termino ng nakaraang pamahalaan, at katumbas ng average annual dividend collection na P125.358-B.
Para sa taong 2026, umabot sa P147.15-B ang kabuuang dibidendo mula sa 50 GOCCs, na may aktwal na dividend collection na P140-B hanggang nitong Miyerkules, Hulyo 8 at inaasahang maipadadala ang balanse sa Disyembre.
Narito naman ang kabuuang dibidendong nakolekta sa nakalipas na mga pamunuan:
Duterte administration – P382.3-B na may annual average na P63.7-B
Aquino administration – P164.8-B na may annual average na P27.4-B
Arroyo administration – P84.1-B na may annual average na P9.3-B
Alinsunod sa Republic Act No. 7656 o ang Dividend Law, lahat ng GOCCs maliban sa mga may exemption, ay kinakailangang magdeklara at magpadala nang hindi bababa sa 50% ng kanilang taunang net earnings bilang dibidendo sa pambansang pamahalaan.
Matatandaan nitong Miyerkules, Hulyo 8, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang GOCC Day sa Malacañang na isang taunang programa na nagbibigay-pugay sa malaking ambag ng GOCC sa kanilang dividend contributions at suporta sa pambansang pag-unlad. – VC











