IBCTV13
www.ibctv13.com

DOTr, nakamit ang makasaysayang Unmodified Opinion mula sa COA

Michael Peronce
78
Views

[post_view_count]

(Photo courtesy of DOTr)

Isang malaking kasaysayan ang naabot ng Department of Transportation (DOTr) matapos makatanggap ng pinakamataas na grado o Unmodified Opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa Fiscal Year 2025 Consolidated Financial Statements. 

Ito ang kauna-unahan sa loob ng maraming taon na nakamit ng ahensya ang nasabing tagumpay sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez. 

Ayon sa COA, ang Unmodified Opinion ay nangangahulugang kumpleto, tumpak ang pagkakalahad at sumusunod sa lahat ng itinakdang regulasyon at pamantayan sa lahat ng mahahalagang aspeto ang sinuring financial statements.

“Ang unmodified opinion na ito mula sa mga tagasuri ng estado ay nagbibigay-katibayan sa hindi matatawarang paninindigan ng Kagawaran sa maayos na pamamahala sa pananalapi, katapatan (transparency), at pananagutan (accountability) sa lahat ng transaksyon nito,” saad ng ahensya sa isang pahayag. 

Nagsisilbing salamin ang nasabing ‘clean opinion’ sa patunay na hindi matitinag na paninindigan ng DOTr pagdating sa pamamahalang pinansyal, pagiging malinaw sa proseso, at pananagutan sa lahat ng mga transaksyon nito. – VC