IBCTV13
www.ibctv13.com

Dumi ng tao, nagmistulang fountain sa China matapos sumabog ang sewage pipes

Divine Paguntalan
424
Views

[post_view_count]

Dashcam footage of the sewage explosion in Nanning, China. (Photo by @anthraxxx781/X)

Nagambala ang mga motorista, pedestrians at bikers sa Nanning sa Guangxi, China matapos ang hindi inaasahang pagsabog ng bagong install na sewage pipeline sa lugar.

Sa isang dashcam video na ini-upload ng X user na si @anthraxxx781, kita ang aabot sa 10 metrong taas na pagsabog ng sewage bunsod umano ng pressure test ng construction site sa lugar.

Ilang sandali pagkatapos ng pagsabog, halos naligo sa dumi ng tao ang mga nasa paligid ng siyudad.

Tumaob din ang isang excavator ng construction site sa lakas ng pagsabog habang nadamay sa pagkawasak ang mga kalapit na sasakyan.

Gayunman, walang napaulat na nasugatan mula sa insidente at agad na nagsagawa ng malawakang clean-up operation ang mga awtoridad. – VC

Related Articles

International

Divine Paguntalan

760
Views

International

Divine Paguntalan

205
Views