IBCTV13
www.ibctv13.com

First Lady Liza, nakiisa sa Walang Gutom Cook-Off challenge, P3,000 food credits ipinamahagi sa mahihirap na pamilya sa QC

68
Views

[post_view_count]

First Lady Liza Araneta-Marcos today, July 17, visited the beneficiaries of the Walang Gutom Program at the Quezon City MICE Center, observing a cook-off challenge and food redemption activity while distributing P3,000 food credits to poor families under President Ferdinand R. Marcos Jr.’s anti-hunger initiative. (Photo courtesy of DSWD)

Dumalo si First Lady Liza Araneta-Marcos sa isinagawang Walang Gutom Cook-Off Challenge 2026 at food redemption activity sa Quezon City MICE Center ngayong Biyernes, Hulyo 17, kung saan ipinamahagi ang tig-P3,000 food credits sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP).

Kasama ng First Lady sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pag-iikot upang tignan ang kalagayan ng mga kalahok at benepisyaryo ng programa.

Sa ilalim ng WGP, tumatanggap ang mga kwalipikadong pamilya ng P3,000 food credits na inilalagay sa kanilang Electronic Benefit Transfer (EBT) card.

Maaari itong gamitin sa pagbili ng masustansyang pagkain na maaaring sasapat sa pangangailangan ng kanilang pamilya sa loob ng isang buwan.

Nag-ikot din ang Unang Ginang sa bawat cooking station ng Cook-Off Challenge 2026, kung saan nagluto ang 12 regional champions mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao gamit ang mga fresh ingredients na nagmula sa mga partner market at Kadiwa ng Pangulo outlets.
Layunin ng kompetisyon na ipakita kung paano makapaghahanda ang mga food-poor families ng masustansya at abot-kayang pagkain gamit ang mga lokal na sangkap.

Ang WGP ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang tugunan ang suliranin sa involuntary hunger sa mga pinakamahihirap na sambahayan sa bansa.

Target ng DSWD na maabot ang mahigit 750,000 food-poor families sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng programa.

Bukod sa pagbibigay ng food credits, bahagi rin ng WGP ang nutrition education at culinary skills-building, bilang agarang tulong at pangmatagalang pagpapalakas ng kakayahan ng mga sambahayan upang tugunan ang food security. – VC