IBCTV13
www.ibctv13.com

First Lady Liza, namahagi ng libreng bigas sa 1,000 tsuper sa Quezon City

83
Views

[post_view_count]

First Lady Liza Araneta-Marcos led the implementation of the “Mula sa Puso Para sa Pamilya” initiative in Quezon City last Tuesday, September 29. (Photo courtesy of DOTr)

Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang pamamahagi ng tig-10 kilo ng bigas at iba pang tulong sa 1,000 jeepney at tricycle drivers sa Quezon City nitong Martes, Setyembre 29.

Isinagawa ang distribusyon sa Land Transportation Office (LTO) compound sa ilalim ng “Mula sa Puso Para sa Pamilya” initiative ng First Lady.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat ang Unang Ginang sa mga tsuper sa kanilang patuloy na serbisyo sa publiko sa kabila ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“Nandito kami para magpasalamat sa inyong lahat. Hindi biro ang trabaho ninyo. So itong ginagawa namin, konting bagay lang ito pero galing sa puso namin,” ani First Lady.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Department of Transportation (DOTr) Secretary Banoy Lopez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa First Lady para sa kanilang suporta sa sektor ng transportasyon.

“Ramdam ng Pangulo ang paghihirap ng mga tsuper kaya lahat ng pwedeng tulong ay pinabibigay niya. Nagpapasalamat din po tayo sa Unang Ginang dahil personal siyang namahagi ng bigas at iba pang tulong sa mga jeepney at tricycle driver,” ani Lopez.

Maliban sa pamamahagi ng bigas, naghatid din ng libreng check-up at gamot pati na libreng medical examination para sa mga mag-rerenew ng kanilang driver’s license ang programa ng Unang Ginang.

Pinuri naman ni Pasang Masda National President Roberto Martin ang programa at sinabing malaking tulong ito sa mga miyembro ng kanilang grupo.

Sa ilalim ng programa, direktang binibili ang mga ipinamamahaging bigas mula sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF) na bahagi ng “Bawat Bayan Makikinabang” program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. – VC