IBCTV13
www.ibctv13.com

First Lady Liza, nanguna sa pamamahagi ng 10 kilong bigas sa 3,000 residente sa Muntinlupa

Michael Peronce
99
Views

[post_view_count]

First Lady Liza Araneta-Marcos, together with Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon and San Juan City Mayor Francis Zamora, spearheaded the rice distribution to beneficiaries at the Muntinlupa Sports Complex on Wednesday, July 8. (Photo from RP1)

Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas sa Muntinlupa Sports Complex bilang bahagi ng “Mula sa Puso, Para sa Pamilya” program ngayong Miyerkules, Hulyo 8. 

Kasama ng Unang Ginang sina Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at League of Cities of the Philippines President at San Juan City Mayor Francis Zamora na nakiisa sa rice distribution sa 3,000 mga benepisyaryo na kinabibilangan ng vulnerable households tulad ng senior citizens at persons with disability (PWDs). 

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni FL Liza sa mga residente ang suporta at pag-asa mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Pinapasabi niya, ‘Even though we cannot eradicate poverty 100%, at least ito, kaunting biyaya, sa susunod na araw [ay] makakatulong,” ayon sa First Lady. 

Nagpasalamat naman si Mayor Biazon sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. para sa pagpapalawak ng ‘sub-national fund allocations’ direkta sa mga komunidad para sa pagpapatatag ng seguridad sa pagkain.

Ang naturang programa ay pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF) na may layuning mapabilis at gawing direkta sa mga komunidad ang pagpapaabot ng tulong ng local government units (LGUs) sa buong bansa. VC