IBCTV13
www.ibctv13.com

INSPIRING: Magkapatid sa SJDM Bulacan, sabay pumasa sa 2024 Criminology Licensure Exam

Princess Balane
620
Views

[post_view_count]

Photo by Jerome Manlangit/Facebook

Double celebration para sa magkapatid na sina Jerome at Jervi Manlangit mula sa San Jose Del Monte, Bulacan ang resulta ng 2024 Criminology Licensure Examination (CLE) matapos parehong makapasa sa unang take lamang.

Kwento ni Jerome sa IBC-13, masaya siya nang makita ang pangalan sa listahan ng CLE passers. Ngunit mas dumoble ang kanyang tuwa nang makitang dalawa ang apelyidong Manlangit sa resulta dahil pasado rin ang kapatid na si Jervi, kasunod lamang sa kanyang pangalan.

“Mas masaya syempre proud of him of course kasi alam ko yung pagpupuyat niya para sa CLE,” saad ni Jerome.

Itinuturing ni Jerome na napakalaking biyaya ang pagkakapasa sa CLE 2024 hindi lamang para sa kanilang magkapatid kundi para na rin sa kanilang mga magulang na matagal aniyang naghintay na makakuha sila ng pagsusulit.

Bilang isa nang ganap na registered criminologist, may payo si Jerome sa mga balak ding tahakin ang landas ng pagpupulis.

“Hindi nagsisimula sa pag-e-enroll sa Review Center ang paghahanda para sa board, make sure na may natutunan kayo sa apat na taon sa college, focus sa foundation and concept,” mensahe ni Jerome.

“Wag na wag lang din po kalimutan ang Panginoon. Siya ang nakaaalam kung kailan ka nya dadalhin sa mga bagay na gusto ng puso mo,” dagdag nito.

Nasa 11,121 o 49.34% ang bilang ng nakapasa sa CLE 2024 mula sa 22,539 kabuuang bilang na kumuha ng exam. -IP/VC

Related Posts