IBCTV13
www.ibctv13.com

Jackpot prize para sa Grand Lotto 6/55, pumalo na ng higit P205-M

Divine Paguntalan
116
Views

[post_view_count]

Bigong maiuwi ang P205,399,930 jackpot prize mula sa Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Sabado, Abril 12.

Walang nakahula sa winning numbers na 47-44-45-13-10-5.

Matatandaan noong Enero 8 pa huling napanalunan ang jackpot sa naturang draw na may halaga na P29.7 milyon.

Samantala, bigo rin ang mga mananaya na mapanalunan ang P49,500,000 na jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 at P15,840,000 sa Super Lotto 6/49 draw ng PCSO nitong gabi ng Linggo, Abril 13.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)

– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)

– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)

– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)

– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC