Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pagbisita ni Japanese for Foreign Affairs Minister Iwaya Takeshi sa Pilipinas mula Enero 14 hanggang 15 para sa isang bilateral meeting kasama si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Inaasahang matatalakay ng dalawang opisyal ang mga usapin tungkol sa depensa, seguridad, ekonomiya, at iba pang parehong interes ng Pilipinas at Japan.
“The Ministers will likewise be exchanging views on regional and international developments,” saad ng DFA.
Bukod dito, nakatakda ring pagtibayin ng dalawang bansa ang pangako na higit patatagin ang kanilang “Strengthened Strategic Partnership” na inaasahang magbubukas ng mas marami pang oportunidad.
Matatandaang nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) noong Hulyo 2024 para sa layuning magtulungan para sa mas maayos at payapang Asia-Pacific region. –VC