IBCTV13
www.ibctv13.com

Polish President Nawrocki, nakatakdang bumisita sa Pilipinas mula Oktubre 5-8

339
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr., Polish President Karol Nawrocki. (File photo of PCO, Pres. Nawrocki/Facebook)

Sasalubungin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Polish President Karol Nawrocki sa kanyang kauna-unahang State Visit sa Pilipinas mula Oktubre 5-8, na layong palakasin ang ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga inaasahang pag-uusapan ng Pangulo at ni Nawrocki ang depensa at seguridad, kalakalan at pamumuhunan, agrikultura, science and technology, information technology, turismo, at legal cooperation.

Tatalakayin din ng dalawang lider ang mga usaping panrehiyon at pandaigdig na kapwa mahalaga sa Pilipinas at Poland, gayundin ang mga hakbang na isinagawa ng dalawang bansa nitong mga nakaraang buwan upang higit na mapalakas ang kanilang bilateral relations.

Matatandaan noong Hulyo 2026 ay idinaos sa Warsaw ang unang pagpupulong ng Philippines-Poland Defense Cooperation Committee, na sinundan ng 7th Philippines-Poland Political Consultations na ginanap sa Maynila noong Setyembre.

Itinatag ng Pilipinas at Poland ang kanilang diplomatic relations noong Setyembre 22, 1973.

Patuloy ang paglago ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa, kung saan noong 2025, naging ika-28 pinakamalaking trading partner ng Pilipinas ang Poland.

Tinatayang 25,000 Pilipino ang naninirahan sa Poland, na nagsisilbing bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng people-to-people ties ng dalawang bansa.

Noong Hulyo 2026, sumali rin ang Poland sa ASEAN Treaty of Amity and Cooperation (TAC), kasama ang Lithuania, Romania, at Sweden, na isang seremonyang isinagawa sa Maynila bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng kasunduan sa ilalim ng ASEAN Chairship ng Pilipinas. – VC