IBCTV13
www.ibctv13.com

Kadiwa ng Pangulo, kumita na ng P4.4-B, nabenepisyuhan ang higit 12-M konsyumer

71
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the launching of a “Benteng Bigas Meron Na!” outlet in Bacoor City, Cavite. (Photo courtesy of PCO)

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na umabot na sa P4.42 bilyon ang kabuuang naipong kita ng Kadiwa ng Pangulo mula nang ilunsad ito noong Hulyo 2022 hanggang nitong Lunes, Hulyo 20, kung saan higit 12 milyong konsyumer na rin ang nabenepisyuhan sa pamamagitan ng 22,179 marketing activities sa buong Pilipinas. 

Karamihan sa kinita ng programa ang nagmula sa P20 rice project na “Benteng Bigas, Meron Na!” at isang flagship food program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na inilunsad noong Mayo 2025 para makapaghatid ng subsidized rice sa mga vulnerable sector na kinabibilangan ng:

  • Senior citizens
  • Persons with disabilities (PWDs)
  • Solo parents
  • Minimum wage earners
  • Public transport workers 
  • Mga mahihirap
  • Rehistradong mga magsasaka at mangingisda

Sa loob lamang ng higit isang taon, lumikha ang programa ng P2.4-B kita matapos makapamahagi ng 121,271 metriko toneladang bigas sa tinatayang 12.1-M mga benepisyaryo. Ito ay sumasalamin lamang sa mataas na pangangailangan ng abot-kayang pangunahing pagkain sa gitna ng hamon sa living costs.

Lumago ang Kadiwa patungo sa 805 na aktibong Bente Bigas selling sites na binubuo ng 295 na may regular na selling schedules, habang ang alok na murang bigas ay nakarating na sa 57 mga probinsya. 

Sa kabuuan, mayroon nang 827 regular outlets ang mas pinalawak na Kadiwa network sa buong bansa. 

“KADIWA is proving that a stronger market for our farmers translates into more affordable food for Filipino families. By shortening the value chain, we reduce unnecessary costs while ensuring farmers earn more from what they produce,” ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. 

Maliban sa bigas, lumawak na rin ang Kadiwa sa isang pambansang farm-to-market platform kung saan nagbigay ng accreditation ang ahensya sa 187 Kadiwa suppliers at consolidators na nagpapalakas sa oportunidad sa mga magsasaka, mangingisda at agribusiness enterprises. 

“As KADIWA continues to expand nationwide, we remain steadfast in our mission of making quality food accessible, empowering producers, and bringing the benefits of agricultural development directly to our consumers”, saad ni Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, pinuno ng Kadiwa ng Pangulo. – VC