IBCTV13
www.ibctv13.com

Libreng Sakay sa MRT-3 tuwing Miyerkules sa buong Agosto, handog sa mga may nat’l ID

Michael Peronce
65
Views

[post_view_count]

MRT-3 to provide free train rides on specific periods on all Wednesdays of August, as well as on September 16. (Photo courtesy to PIA, National ID site)

Magpapatupad ng Libreng Sakay ang Department of Transportation – Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) sa lahat ng National ID holder tuwing araw ng Miyerkules sa buong buwan ng Agosto ngayong taon, bilang pakikiisa sa paggunita ng paglagda sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act. 

Aarangkada ang libreng sakay sa Agosto 5, 12, 19, at 26 sa mga sumusunod na oras: 

  • 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. 
  • 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. 

Maghahandog din ng libreng train fare ang MRT-3 sa Setyembre 16, bilang pagdiriwang naman sa Global Identity Day. 

Kinakailangan lamang ipakita ang National ID, mapa-physical ID, Digital ID, o ePhilID man na naka-paper format para ma-avail ang serbisyo. 

Kaisa ng DOTr-MRT-3 ang Philippine Statistics Authority sa paghahatid ng libreng sakay kung saan magkakaroon din ng National ID registration ang PSA sa ilang istasyon ng transit line, partikular na sa Araneta-Cubao at Taft Avenue Stations. 

Pangako ng pamunuan ng MRT-3 na magpapatuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tungo sa mas maayos at epektibong serbisyo para sa mga Pilipino, lalo na sa mga komyuter.